Home METRO ‘Urgent compensation,’ iba pang benepisyo para sa  Marawi siege victims hirit ng...

‘Urgent compensation,’ iba pang benepisyo para sa  Marawi siege victims hirit ng CHR

MANILA, Philippines- Hiniling ng Commission on Human Rights (CHR) sa gobyerno na bilisan ang pagbibigay ng kompensasyon at iba pang benepisyo na nararapat para sa mahigit 16,000 pamilya o 80,000 indibidwal na tinatawag na internally displaced person (IDPs), na matinding naapektuhan ng five-month Marawi siege noong 2017.

Maliban sa datos na nakuha sa lokal, tinukoy ng CHR ang report ng United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affairs (OCHA) na nagsasaad na ang mga pamilya ng IDPs ay tumira sa transitional shelters na ibinigay ng gobyerno, sa ilalim ng five-year lease agreement sa pagitan ng landowners at Task Force Bangon Marawi (TFBM).

Sa kasamaang palad, sinabi ng CHR na ang pag-upa ay napaso na noong 2023 at ang mga pamilyang ito ay napilitang lumipat o magbayad ng renta, bukod sa iba pang financial responsibilities, para mapanatili ang kanilang mga pangunahing pangangailangan.

“Some IDPs even lamented that the compensation offered by the government does not reflect the current inflation rate and the rising cost of construction materials, and they are asking the government to reassess their properties based on fair market value to ensure that the compensation package aligns with prevailing economic conditions,” ayon sa CHR.

“As the nation’s prime advocate for the protection and promotion of human rights, the CHR urges the Philippine government to expedite the distribution of compensation to the internally displaced families of Marawi City,” dagdag nito.

“The Commission expresses its concern that delays in disbursing benefits will lead to further repercussions such as food insecurity, inadequate sanitation facilities, and increased security risks.”

Nauna rito, nagsimula nang magbigay ang Department of Justice (DOJ) ng free legal assistance sa IDPs at iba pang biktima ng Marawi siege para tulungan ang mga ito na maproseso ang kanilang claims para sa kompensasyon.

“Claims by qualified IDPs and other victims are mandated under Republic Act No. 11696, a 2022 law that provides compensation for loss or destruction of properties and loss of lives during the five-month conflict between government troops and militant groups,” ayon sa ulat.

Samantala, pinangunahan ng Department of Justice Action Center (DOJAC) at Public Attorney’s Office (PAO) ang month-long caravan sa Marawi City. Kris Jose