Home NATIONWIDE US Assistant Secretary of State, bibisita sa Pilipinas, iba pang bansa sa...

US Assistant Secretary of State, bibisita sa Pilipinas, iba pang bansa sa Asia

42
0

MANILA, Philippines – Bibiyahe sa iba’t ibang bansa sa Asia, kabilang ang Pilipinas, si United States Assistant Secretary of State for East Asian and Pacific Affairs Michael George DeSombre mula Mayo 31 hanggang Hunyo 10.

Ayon sa US Bureau of East Asian and Pacific Affairs, dadalaw siya sa Indonesia, Timor-Leste, Brunei, at Pilipinas upang makipagpulong sa mga opisyal ng gobyerno at pribadong sektor.

Layunin ng kanyang pagbisita na palakasin ang ugnayan at isulong ang tinatawag na “free and open Indo-Pacific” o malaya at bukas na rehiyon sa Indo-Pacific.

Sa mga nakaraang linggo, muling pinagtibay ng Pilipinas at Estados Unidos ang kanilang alyansa sa gitna ng pagtaas ng tensyon sa rehiyon, lalo na sa South China Sea na inaangkin ng China at iba pang bansa.

Matatandaang noong 2016, nagdesisyon ang Permanent Court of Arbitration sa The Hague na pabor sa Pilipinas at sinabing walang legal na basehan ang malawak na pag-angkin ng China sa South China Sea, ngunit hindi ito kinikilala ng China.

Patuloy namang tinutukoy ng Pilipinas ang bahagi ng South China Sea na sakop nito bilang West Philippine Sea upang igiit ang karapatan ng bansa sa mga naturang katubigan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here