KINAUSAP ni Defense Secretary Lloyd Austin sa pamamagitan ng video teleconference ang kanyang Chinese counterpart na si Dong Jun para sa kanilang unang engagement sa nakalipas na mahigit isang taon.
Pinag-usapan ng mga ito ang bilateral relations at maging ang regional at global security issues.
“During the discussion, Secretary Austin emphasized the importance of continuing to open lines of military-to-military communication between the U.S. and the People’s Republic of China. He also underscored the importance of respect for high seas freedom of navigation guaranteed under international law, especially in the South China Sea, and reiterated that the United States will continue to fly, sail and operate safely and responsibly wherever international law allows,” ayon kay Pentagon Press Secretary Maj. Gen. Pat Ryder.
Muli naman aniyang inulit ni Austin na nananatiling committed ang Estados Unidos sa One China Policy nito, ginagabayan ng Three Joint Communiques, Taiwan Relations Act, at Six Assurances.
Tinalakay din ng mga ito ang nagpapatuloy na Russia-Ukraine war at maging ang mga concerns ukol sa North Korea.
Sinasabing ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng “substantive exchange” si Austin sa kanyang Chinese counterpart simula pa noong Nobyembre 2022.
Noong nakaraang Nobyembre, nagpulong naman si US President Joe Biden at ang kanyang Chinese counterpart na si Xi Jinping sa San Francisco para sa isang bilateral summit na nagbigay-daan para sa pagpapatuloy ng military-to-military communications at “clear and open” communication sa pagitan ng “defense establishments” ng kanilang mga bansa para maiwasan ang miscalculations ng magkabilang pang at mapigilan ang labanan. Kris Jose