Home NATIONWIDE US, Venezuela hinikayat ng Pilipinas: International law, igalang

US, Venezuela hinikayat ng Pilipinas: International law, igalang

216
0

MANILA, Philippines – NAGPAHAYAG ng pag-aalaala ang Department of Foreign Affairs (DFA), araw ng Lunes sa tumitinding hidwaan sa pagitan ng Estados Unidos at Venezuela, nanawagan sa dalawang bansa na igalang ang international law at ibalik ang kapayapaan at kaayusan.

“Following the US’ attack on Venezuela, the Philippines views with concern the events in the South American nation and its consequential impact on peace and stability in the region, as well as on the rules-based international order,” ayon sa DFA.

“While acknowledging the United States’ underlying security considerations, the Philippines stresses the relevant principles of international law, including the independence and sovereign equality of states, the peaceful resolution of disputes, the prohibition against the threat or use of force, and non-interference in the domestic affairs of sovereign states,” ang sinabi pa rin ng departamento sa isang kalatas.

“The Philippines calls on concerned parties to respect international law, including the UN Charter, exercise restraint to prevent escalation of conflict, restore peace and order in Venezuela and promote the safety and well-being of all the people, including the Filipinos living in Venezuela and the surrounding countries,” dagdag na pahayag ng DFA.

Sa ulat, inanunsyo ni US President Donald Trump na iti-take over ng Estados Unidos ang Venezuela matapos ang matagumpay na operasyon militar sa Caracas.

Ayon sa kanya, pansamantalang pamamahalaan ng U.S. ang bansa hanggang sa maitatag ang ligtas na transisyon tungo sa bagong gobyerno.

Inaresto ng mga puwersang Amerikano si Venezuelan President Nicolás Maduro at ang kanyang asawa na si Cilia Flores.

Dinala sila sa Estados Unidos upang harapin ang mga kasong narco-terrorism at drug trafficking.

Nanatiling ipinatutupad ang embargo sa langis ng Venezuela habang nakaposisyon ang mga pwersang pandagat ng U.S. sa rehiyon.

Binalaan ni Trump ang iba pang opisyal ng Venezuela na maaari silang masapitan ng kaparehong kapalaran kung patuloy silang magiging mapang-abuso.

Plano ng U.S. na isali ang mga kompanyang Amerikano sa muling pagpapatayo ng industriya ng langis ng Venezuela.

Itinuturing ng pamahalaang Amerikano na tagumpay ang operasyon at simula ng pagbabalik ng sigla sa ekonomiya ng bansa.

Nauna rito, sinabi ng DFA na mahigpit nitong mino-monitor ang situwasyon sa Venezuela kasunod ng pag-atake ng Estados Unidos. Tinatayang 70 pinoy ang kasalukuyan ngayong nasa Venezuela.

Sinabi naman ng Philippine Embassy sa Colombia na ligtas ang lahat ng pinoy sa Venezuela sa gitna ng tensyon kasunod ng pag-atake ng Estados Unidos. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here