Home NATIONWIDE Usap-usapang pagkakahati ng militar, tinawag na disinformation ng AFP

Usap-usapang pagkakahati ng militar, tinawag na disinformation ng AFP

174
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Armed Forces of the Philippines nitong Sabado, Enero 17 sa publiko laban sa “disinformation” na kumakalat online na nagsasabing may “division” na nangyayari sa militar, political realignments, o pagsuporta ng senior officers sa ilang personalidad.

Iginiit ng AFP na ang katapatan nila ay sa Konstitusyon at sa mga Filipino.

Anang AFP, ang false information na ito ay “designed to sow confusion, mistrust, and division—both within the ranks and among the Filipino people.”

Iginiit nito na ito ay “remains united, professional, and non-partisan.”

“Our loyalty is to the Constitution and the Filipino people—not to any political figure or agenda,” dagdag pa.

Dahil dito ay hinimok ng AFP ang publiko na maging alerto, beripikahin ang impormasyon mula sa mga credible at official sources, at iwasan ang pagbabahagi ng unverified content.

Ngayong linggo ay pinabulaanan ng AFP ang usap-usapan ng pangangailangan ng loyalty check sa mga ranggo nito matapos na i-dismiss ng Philippine Army si Colonel Audie Mongao sa kontrobersyal nitong political statement online.

Bago magtapos ang 2025, nauna nang itinanggi ng AFP na may mga panawagan na hinihimok ang mga sundalo na lumahok sa mga kilos-protesta at suportahan ang coup d’etat. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here