Home SPORTS UST humakot ng pitong ginto sa table tennis challenge

UST humakot ng pitong ginto sa table tennis challenge

298
0

NAMAYAGPAG ang University of Santo Tomas (UST) sa 2025 Philippine Table Tennis Federation Inc. Intercollegiate and Interscholastic Challenge matapos masungkit ang pitong gintong medalya.

Ginanap ang torneo sa Home Court, Ayala Malls Manila Bay, Parañaque City.
Pinangunahan ni Eljey Dan Tormis ang Growling Tigers matapos magkampeon sa college men’s singles, kung saan tinalo niya ang kapwa Tomasino na si Joshua Manlapaz.

Sa high school division naman, nagwagi si Jebb Datahan matapos talunin si Emmanuel Paculba Jr.

Sa doubles event, naghari rin ang UST. Sina Anton Bayona at Jhiven Clamucha ang nagkampeon sa boys’ doubles, habang sina Xyra Malaluan at J-An Sanchez ang nagwagi sa girls’ doubles.

Nagpatuloy ang pananalasa ng UST sa college women’s doubles matapos talunin nina Samantha Bandojo at Althea Jade Gadez ang pares mula La Salle. Dagdag pa rito, nakuha rin nila ang kampeonato sa men’s at boys’ team event.

Hindi naman nagpahuli ang ibang paaralan. Nagwagi si Angelou Joyce Laude ng La Salle sa women’s singles laban kay Gadez ng UST, habang sina Mike Aguna at JD Nominador ng San Beda ang nagkampeon sa men’s doubles.

Nakakuha rin ng titulo ang National Academy of Sports matapos manalo si Myzette Torres sa girls’ singles at ang kanilang team laban sa UST-A sa girls’ team division.GP

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here