Home TOP STORIES Uswag Ilonggo Rep. Jojo Ang idinawit ng Discayas sa flood control anomalies

Uswag Ilonggo Rep. Jojo Ang idinawit ng Discayas sa flood control anomalies

253
0

MANILA, Philippines – Pinangalanan ng mga kontratista na sina Sara at Curlee Discaya si Uswag Ilonggo Partylist Rep. Jojo Ang bilang isa umano sa mga mambabatas na tumanggap ng bahagi ng pondo mula sa kanilang mga infrastructure project.

Sa isang 10-pahinang sinumpaang salaysay na isinumite sa Senate Blue Ribbon Committee, isinaad ng mag-asawa na napilitan silang magbigay ng 10 hanggang 25 porsiyento ng halaga ng proyekto upang matiyak na hindi maaantala ang implementasyon ng kanilang mga kontrata.

Ayon sa kanila, paulit-ulit umanong sinasabi ni Ang na ang kanyang mga proyekto ay pinopondohan nina House Speaker Martin Romualdez at Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co.

“Si Cong. Jojo Ang naman ay lagi ring binabanggit na lahat ng project sa kanya ay papondo ni Speaker at ni Zaldy Co kaya mataas ang hinihingi sa project,” nakasaad sa kanilang affidavit.

“Dagdag pa niya, hindi naman lahat ng pera ay para sa kanya kundi para kay Speaker at Zaldy Co,” dagdag pa nila sa kanilang affidavit.

Ipinahayag din ng mag-asawa ang kanilang kahandaang magsilbing state witnesses at humiling ng proteksiyon para sa kanilang pamilya.

Mariin namang itinanggi ni Ang ang paratang. “Hindi totoo ’yan,” ani Ang sa panayam, sabay giit na walang katotohanan ang mga alegasyon laban sa kanya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here