MANILA, Philippines – LUMOBO na sa P19.61 trillion ang utang ng Pilipinas nitong Agosto, batay sa datos ng Bureau of the Treasury.
Ayon sa Bureau of the Treasury, mas tumaas ito ng 1.12% o P217.62 kumpara sa P19.39 trilyon noong Hulyo.
Sinasabing, mula naman noong Disyembre 2025, tumaas na ng 10.72% ang national debt mula sa P17.71 trilyon.
Tinuran ng ahensiya, karamihan ng utang ay domestic debt na umabot sa P13.24 trilyon, habang P6.37 trilyon naman ang external debt
Kabilang din sa dahilan ng pagtaas ng foreign debt ang paghina ng piso laban sa dolyar, na nagdagdag ng P90.32 bilyon sa halaga ng external debt kapag isinalin sa piso.
Inaasahan namang madaragdagan pa ang utang ng bansa sa 2027 dahil planong mangutang ang gobyerno ng P1.7 trilyon para pondohan ang inaasahang budget deficit. KRIS JOSE