Home NATIONWIDE Utos sa OVP sa pagbalik ng confi funds ‘di mababago ng bagong...

Utos sa OVP sa pagbalik ng confi funds ‘di mababago ng bagong COA opinion – Ridon

6
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni House Prosecutor at Bicol Saro Party-list Representative Terry Ridon nitong Sabado, Hulyo 18 na ang pinakabagong unmodified opinion ng Commission on Audit ay hindi makakaapekto sa kautusan na nag-aatas sa Office of the Vice President (OVP) sa ilalim ni Sara Duterte na ibalik ang P448 milyong halaga ng confidential funds sa pamahalaan.

Ani Ridon, ang unmodified opinion ng COA para sa calendar year 2025 ay hindi dapat magbigay ng impresyon sa publiko na ang opisina ay nasa “clean slate” na.

Sinabi pa niya na sa pamamagitan ng unmodified opinion, natukoy ng mga auditor na ang financial statements ng OVP ay “well-presented,” ngunit hindi agad nangangahulugan na ang mga transaksyon ay naaayon sa batas, regulasyon at auditing rules.

Iginiit din niya na mayroon pa ring notices of disallowance sa paggamit ng public funds.

Noong Abril, pinagtibay ng COA ang notice of disallowance sa disbursement ng OVP na P73 milyon ng confidential funds mula Disyembre 21 hanggang 31, 2022.

Sinabi rin ng COA na isa pang notice of disallowance ang inisyu sa OVP sakop ang P375 milyong confidential funds na inilabas sa una, ikalawa, at ikatlong quarter ng 2023.

Sa news forum, sinabi ni Ridon na kumpiyansa ang prosekusyon na makukumbinsi nila ang Senate impeachment court na mag-isyu ng subpoena para sa financial records ni Duterte at asawa nitong si Manases Carpio. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here