MANILA, Philippines – “Tinimbang ngunit kulang” ang kampanya ng pamahalaan laban sa katiwalian sa likod ng mga maanomalyang flood control projects, isang taon matapos ang hamong “Mahiya naman kayo” ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA), ayon kay Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson.
Ani Lacson, kung hindi dahil sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee (BRC) sa ilalim ng kanyang pamumuno, sa matatag na paninindigan ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla, at sa galit at pagbabantay ng publiko at media, kakaunti ang maipagmamalaki ng pamahalaan sa usapin.
“Tinimbang nguni’t kulang. Without sounding immodest or arrogant, if not for the Senate Blue Ribbon Committee investigation during my watch, which was preceded by my two privilege speeches, where we unearthed material pieces of evidence, both documentary and testimonial; and without the firm determination and resoluteness of Ombudsman Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla, I don’t know how the government can even claim whatever accomplishments we have at the moment, or one year after that SONA ‘Mahiya naman kayo’ remark,” aniya.
“The media and netizens should also be credited for generating public anger and awareness that abuse of public funds cannot anymore be taken for granted, as exemplified by the Trillion Peso March and other related activities,” dagdag niya.
Samantala, sinabi ni Lacson na mananatili siyang matatag sa pagtatanggol sa naging papel ng Blue Ribbon Committee sa kabila ng paulit-ulit na mga batikos at mga malinaw na gawaing may motibong pampulitika.
“Despite the usual criticisms and obvious politically motivated acts, I will stand firm on the BRC’s role in whatever accomplishments we have,” aniya.
Noong Agosto 2025, nagbigay si Lacson ng privilege speech na naglantad sa katiwalian sa likod ng mga maanomalya at ghost flood control projects. Noong Setyembre, nagbigay siya ng panibagong privilege speech tungkol sa tinaguriang “BGC Boys,” kung saan ipinaliwanag niya kung paano nila minanipula ang mga proseso at pamamaraan upang maisakatuparan ang mga anomalya.
Inilahad ni Lacson sa isang privilege speech nitong Mayo ang nilalaman ng Chairman’s Progress Report, na naglalaman ng mga ebidensiya at rekomendasyon laban sa tinawag niyang “systemic, parasitic greed” sa mga anomalya sa flood control.
Isinumite rin ng Blue Ribbon Committee sa Office of the Ombudsman at sa Department of Justice ang mga ebidensiyang nakalap nito. Batay sa mga ito, nagsampa na ang DOJ ng mga kaso laban sa ilang personalidad. Ernie Reyes