MANILA, Philippines- Isang driver ng van na may kargang hardware products ang natunton dahil sa tulong ng Global Positioning System (GPS), matapos nakawin ito sa Brgy, Buhay na Tubig, Imus City, Cavite.
Ayon sa report ng pulisya, kinilala ang suspek na si alyas Reynaldo dahil na inireklamo ni Elizabenth Borsoto, may-ari ng aluminum van na may plakang DBJ 8968.
Batay sa imbestigasyon, bandang alas-4 kamakalawa ng madaling araw nang tangayin ng suspek ang aluminum van na may lamang P1,100,000 halaga ng assorted hardware products habang nakaparada ito sa Paos compound sa Brgy. Buhay na Tubig, Imus City, Cavite.
Lingid sa kaalaaman ng driver, nakabitan ito ng GPS at sa tulong nito, natunton ang suspek sa kanyang kinaroroonan sa Bacoor Boulevard sa Brgy. Niog 3, Bacoor City, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya at pagkakabawi sa nasabing sasakyan.
Nahahaharap sa kasong paglabag sa RA 10883 (New Anti-Carnapping Act of 2016) ang suspek na nasa kustodiya ngayon ng Imus Component Facility. Margie Bautista