Home METRO Vendor patay, 4 sugatan sa salpok ng pickup sa waiting shed

Vendor patay, 4 sugatan sa salpok ng pickup sa waiting shed

MACALELON, Quezon- Patay ang isang 54-anyos na vendor habang apat ang sugatan nang bumangga ang isang pickup truck sa waiting shed sa Barangay Mabini Ilaya, sa bayang ito, nitong Miyerkules ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Mafe.

Samantala, sugatan naman sina Carlo, 16; Elly, Divine, 58, at Delfin, ang driver ng pickup truck.

Ayon sa mga awtoridad, nawalan ng kontrol si Delfin sa pickup truck habang binabaybay ang pakurbang daan sa provincial road patungong Lucena City, Quezon

Bumangga ang sasakyan sa waiting shed kung saan naghihintay ng masasakyan ang mga biktima.

Agad binawian ng buhay si Mafe at dinala ang mga sugatan sa isang ospital sa Gumaca, Quezon.

Nahaharap si Delfin sa reckless imprudence resulting in homicide, physical injuries, at damage to property cases. RNT/SA