Home ENTERTAINMENT Vice Ganda, bumira sa mga korap!

Vice Ganda, bumira sa mga korap!

333
0

Manila, Philippines- Idinaan sa throwback ni Vice Ganda ang pambabarag sa mga taong korap sa gobyerno.

Ito’y sa pamamagitan ng kanyang post sa Instagram Story ng kanyang 2014 song na Aba Matindi.

Ang nasabing awitin ay tungkol sa laganap na katiwalian sa pamahalaan.

“Applicable pa rin!” sey ng Unkaboggable Star lalo’t ang atensyon ngayon ng taumbayan ay ang bilyun-bilyong flood control projects ng mga contractor sa pakikipagsabwatan sa DPWH.

Makikita sa IG Story ng TV host ang animated cartoon ng isang lalaking lumulusong sa baha at hinahabol ang isang bangka.

Ang kalunus-lunos na eksena nga naman ay pangkaraniwan nang nakikita sa mga lugar na sobrang lubog sa baha.

Imagine, 14 years ago pa noong i-record ‘yon ni Vice Ganda pero damang-dama pa rin ang nakakagalit na korapsyon sa bansa?!

May epekto naman kaya ito sa mga taga-gobyernong kapalmuks?

Haist! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here