Home IN PHOTOS Villar dumalo sa coastal clean-up, seminar sa Las Pinas

Villar dumalo sa coastal clean-up, seminar sa Las Pinas

Dinaluhan ni Senadora Cynthia Villar ang Coastal Clean-Up Drive at Environmental Awareness Seminar ng Philippine Naval Forces (Reserve) – National Capital Region at ng Association of CPAs for Sustainability Inc. (ACPAFSI) sa Las Piñas-Parañaque Wetland Park (LPPWP) noong Sabado, Marso 8. Hinikayat ng senadora ang mga dumalo na magtulungan at gawin ang kanilang bahagi upang makamit ang ating layunin na iligtas ang Pilipinas mula sa kalunos-lunos na kalagayan nito bilang isa sa pinakamalaking nagdudulot ng polusyon sa dagat sa buong mundo. CESAR MORALES