PASAY CITY — Isinusulong ni Sen. Mark Villar ang agarang pagpasa sa panukalang mag-aalis sa travel tax na sinisingil sa mga Pilipinong bumibiyahe palabas ng bansa.
Sa ilalim ng Senate Bill No. 1870 o panukalang “Travel Tax Abolition Act,” ipagbabawal sa mga ahensya ng pamahalaan at pribadong entidad ang pangongolekta ng travel tax kapag naging batas ang panukala.







