Manila, Philippines – Wala ang pangalan ni Vilma Santos sa listahan ng mga nominadong
Best Actress sa 8th Eddy’s awards.
Sa halip ay si Aga Muhlach at si Nadine Lustre ang nominado para sa Best Supporting Actor at Best Supporting Actress, respectively para sa MMFF 2024 movie na Uninvited.
But had Vilma made it to the list, mukhang may tulog siya kay Judy Ann Santos.
Si Juday kasi ang MMFF Best Actress para sa pelikulang Espantaho puwera pa ang parehong award sa international film festival sa Portugal.
Inisnab nga ba ng Eddy’s ang performance ni Vilma, o talagang hindi lang ito nakitaan ng dahilan to merit even a nomination?
Samantala, pukpukan kung pukpukan ang labanan para sa Best Actor category.
Among the nominees ay si Alden Richards para sa Hello Love Again, Dennis Trillo for Green Bones, Arjo Atayde for Topakk, among others.
Dennis brought home the Best Actor trophy sa MMFF last year, pero huwag ding isnabin ang akting ni Arjo.
Between Alden and Arjo, di hamak namang kakabugin ng kinatawan ng Quezon City ang una!
Ewan kung madu-duplicate ni Dennis ang kanyang pagkapanalo.
The same may be said of Ruru Madrid na makakalaban ni Aga sa Best Supporting Actor.
Sa July 20 na magkakaalaman kung sinu-sino ang mga magwawagi sa Eddy’s! Ronnie Carrasco III