Home NATIONWIDE VIP treatment case kay Dera dedesisyunan na ng DOJ

VIP treatment case kay Dera dedesisyunan na ng DOJ

MANILA, Philippines – Tinapos na ng panel of prosecutors ng Department of Justice ang pagdinig sa reklamong inihain ng National Bureau of Investigation (NBI) laban sa detainee na si Jose Adrian Dera alyas Jad Dera at anim na jail guards.

Ayon kay DOJ Spokesperson Assistant Secretary Mico Clavano, submitted for resolution na ang mga inihaing reklamo sa pagtatapos ng prleiminary investigation nitong Huwebes.

Sa naturang pagdinig ay nagsumite na ang lahat ng panig ng kanilang kontra-salaysay.

Nag-ugat ang reklamo sa paglabas ng NBI detention ni Dera nang walang pahintulot mula sa korte at iba pang otoridad.

Si Dera ay sinampahan ng NBI ng corruption of public officials habang ang mga security personnel na sina Jose Randy Godoy, Arnel Ganzon, Lee Eric Loreto, Pepe Piedad Jr., King Jeroh Martin at Diana Rose Novelozo ay inireklamo ng infidelity, bribery at kurapsyon

Samantala, sinabi ni Clavano na sa susunod na linggo ay posibleng isumite na ng NBI sa DOJ ang pinal na report ukol sa iba pang dawit sa paglabas-masok sa kulungan ni Dera. Teresa Tavares