Home OPINION PANDAIGDIGANG PANGANGALAGA SA MGA KARAGATAN

PANDAIGDIGANG PANGANGALAGA SA MGA KARAGATAN

PORMAL na inaprubahan ng United Nations General Assembly kamakailan ang isang kasunduan na nagbibigay ng proteksyon sa mga karagatan ng daigdig at pagseseguro sa sustenableng paggamit ng mga likas-yaman na nagmumula mula dito.

Sinasabing makasaysayan ang kasunduan dahil labinglimang taon tumagal ang delibe-rasyon kaugnay rito.

Tinawag itong BBNJ Treaty o ang Biodiversity Beyond National Jurisdiction Treaty o High Seas Treaty. Napagkasunduan din na nasa ilalim ito ng UNCLOS o ng United Nations Convention on the Law of the Sea  na mahigit tatlong dekada nang inaprubahan ng asembleya.

Nakapaloob sa tratado ang pagkakaroon ng mas malalawak na ocean sanctuaries na nasa mga international waters kung saan ay ipagbabawal ang ano-mang uri ng aktibidad.

Ikinatuwa ng Pilipinas ang pag-apruba sa kasunduan lalo pa’t ito ay “legally binding” o ma-papanagot ang mga bansang   hindi susunod dito.

Ayon nga sa ating DFA o Department of Foreign Affairs, bilang isang arkepelagong bansa, at itinuturing pa naman tayong kabilang sa “center of richness in biodiversity” ang ano-mang nangyayaring pang-aabuso sa labas ng ating jurisdictio-nal waters ay mayroon paring malaking epekto sa ating marine ecosystem.

Kilala naman ang bansa ng international community na marunong tayong magpahalaga sa mga karagatan at sumusunod    sa UNCLOS dahil naniniwala tayo na ang karagatan ay “common heritage of mankind, fair and    equitable sharing of benefits, rights and jurisdiction of adjacent coastal States, the precautionary principle, and transparency of action and support”.

Ang limang karagatan na siyang bumubuo ng 70.8% ng    daigdig na hinati sa Pacific   ocean, Atlantic Ocean, Indian Ocean, Antarctic Ocean o ang Southern Ocean, at ang Arctic Ocean ay nahaharap sa malaking problema kabilang ang  marine pollution o ang plastic pollution kung saan ay nasa 86 million tons ang tinatayang naka- rating na sa ocean floor ng mga karagatan; Overfishing; at Climate change.

Kaya lubhang mahalaga ang kasunduan para magkaroon ng pagkakataon ang mga karagatan na mabigyang proteksyon at makapagpahinga mula sa ma-lakihan at malawakang pangingisda.

Magkakaroon ng “Conference of the Parties” para tingnan ang pagsunod ng mga lalagdang bansa sa kasunduan.

Bukas sa paglagda ng mga bansang kaanib ng UN ang tratado sa loob ng dalawang taon simula September 28, 2023. Magiging epektibo ito kapag nakakalap na ng 60 ratification.