MANILA, Philippines- Naaapektuhan ang Visayas, Mindanao, at Palawan ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at makararanas ng pag-ulan ngayong Lunes, ayon sa PAGASA.
Posibleng makaranas ang Zamboanga Peninsula, Negros Island Region, Western Visayas, at Palawan ng maulap na kalangitan at kalat na pag-ulan.
Inaasahan naman sa natitirang bahagi ng Visayas, Mindanao, at Mimaropa ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms.”
Samantala, iiral ang easterlies sa natitirang bahagi ng Luzon.
Nakaamba sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms.”
Ang coastal waters ay magiging moderate to rough sa Extreme Northern Luzon, at slight to moderate sa natitirang bahagi ng bansa.
Sumikat ang araw ng alas-5:26 ng umaga at lulubog ng alas-6:20 ng hapon. RNT/SA