MISAMIS ORIENTAL- BINAWIAN ng buhay ang isang content creator matapos mabalian ng buto habang nagpa chiropractic adjustment session dahil sa matinding pananakit nito sa kanyang likod noong buwan ng Nobyembre nakalipas na taon.
Inilibing na kahapon (Enero 29, 2025) si Leobart Yurong, 38, matapos makaranas ng matinding pananakit ng kanyang likod at hindi na nakalakad makaraan sumailalim sa chiropractic session sa kanilang lugar.
Base sa viral video na pinost ni Yurong sa kanyang social media page, makikita ang ginawa sa kanyang ng umano’y “chiropractor” na halos tumutunog ang kanyang mga buto sa gitna ng session.
Sa tinding sakit, nagpa-confine na sa ospital si Yurong at lumabas sa eksaminasyon na nabalian ito sa kanang bahagi ng kanyang balakang.
Naniwala naman ang kapatid ni Yurong na si Nancy Taping, na nagkaroon ng komplikasyon ang mga bali sa katawan ng kapatid hanggang sa lumala ito na naging sanhi ng kanyang kamatayan.
Hustisya naman ang sigaw ng pamilya Yurong at plano nilang magsampa ng kaso laban sa umano’y chiropractor. /Mary Anne Sapico