Home METRO Gustong makamura, napamura: Kelot timbog sa palit-price tag sa grocery

Gustong makamura, napamura: Kelot timbog sa palit-price tag sa grocery

MANILA, Philippines – Kalaboso ang isang 49 anyos na lalaki dahil sa tangkang pandaraya sa isang supermarket sa Sta. Cruz, Manila sa pamamagitan ng pagappalit ng price tag sa mga pagkain.

Pinalitan umano ng suspek ang presyo ng isang mas mahal na pork cutlet sa mas murang beef sukiyaki sa fresh section ng supermarket, ayon sa pulisya.

Ayon sa ulat, naobserbahan ng isang babaeng security guard ang suspek habang siya ay nag-order ng pork cutlet.

Napansin ng guwardiya na inalis ni Aspa ang price tag sa beef sukiyaki at pinalitan ang orihinal na price tag sa pork cutlet mula sa isang mas murang presyo ng item.

Kasunod nito, nagtungo na sa counter ang suspek para magbayad ng kanyang binili gamit ang hindi wastong price tag.

Nang suriin ng guwardiya ang resibo, nakumpirma ang mapanlinlang na transaksyon. Agad na pinigil ng sekyu ang suspek at sinamahan ito sa supermarket security office para sa inisyal na imbestigasyon.

Agad din itong itinurn-over sa Blumentritt Police Community Precinct (PCP).

Inihahanda na rin ng pulisya ang kasong estafa laban kay Aspa para sa ginawang price tag switching scam. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)