Home METRO Vlogger sa Iloilo, sinunog ang sarili para sa content

Vlogger sa Iloilo, sinunog ang sarili para sa content

ILOILO CITY — Napaso nang malubha ang vlogger na si “Boy Negro” mula Calinog, Iloilo matapos sunugin ang sarili sa isang mapanganib na stunt para sumikat online.

Sa 44-segundong video na in-upload noong Marso 9, makikitang may hawak siyang dalawang baso ng gasolina.

Binalaan niya ang mga bata na huwag gayahin ang kanyang ginagawa, sabay inom at buhos ng gasolina sa sarili.

Sinindihan siya ng isang tao gamit ang sanga ng puno, at natapos ang video nang mahulog siya sa isang maliit na hukay.

Noong Marso 10, nag-post ang vlogger ng kanyang mga sugat mula sa pagkakapaso at humingi ng tulong pinansyal sa kanyang mga tagasubaybay para sa gastusin sa ospital.

Kilala ang vlogger sa kanyang mapanganib na content.

Sa mga nakaraang bidyo, uminom siya ng bleach, kumain ng detergent, at kumain ng uod — na nagdulot ng pangamba sa kanyang kaligtasan. RNT