Home NATIONWIDE VP Sara dapat sumunod sa legal process – DOJ

VP Sara dapat sumunod sa legal process – DOJ

MANILA, Philippines- Hinikayat ni Justice Undersecretary Raul Vasquez si Vice President Sara Duterte na lumantad sa National Bureau of Investigation (NBI) para linawin na ang umano’y ginawa nitong pagbabanta sa buhay nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at iba pa.

Lumabas ang mga balita na balak muli ni Duterte na hindi humarap sa isinasagawang imbestigasyon ng NBI.

Sinabi ni Vasquez na bagama’t maaaring desisyon ng legal team ni Duterte ang hindi nito pagdalo sa hearing, mas makabubuti umano para sa bise presidente na dumalo bilang paggalang sa legal process.

Kahit sinuman aniya ay kailangan igalang ang rule of law at ang proseso nito.

Una nang sinubpoena ng NBI si Duterte nitong November 29 para magbigay-linaw sa kanyang kontrobersyal na pahayag.

Gayunman, hindi sumipot si Duterte at hiniling sa NBI na i-reschedule na lamang ang hearing.

Itinakda muli ng NBI ang pagdinig sa Disyembre 11.

Sinabi ni NBI Director Jaime Santiago na sakaling hindi pa rin sumipot si Duterte ay itutuloy pa rin nila ang imbestigasyon.

Una nang sinabi ng Department of Justice na maaaring masampahan ng libel, defamation, at grave threat si Duterte dahil sa mga pahayag nito laban kay Marcos Jr. Teresa Tavares