Home HOME BANNER STORY VP Sara ‘di dadalo sa impeachment hearing

VP Sara ‘di dadalo sa impeachment hearing

91
0

MANILA, Philippines – Inihayag ni House Justice Committee Chairman Atty Gerville Luistro na walang anumang kumpirmasyon na dadalo sa pagdinig bukas, Marso 25, si Vice President Sara Duterte para sa unang pagdinig ng kanyang impeachment case.

“Wala tayong nare-receive about the possibility of the Vice President attending our hearing tomorrow,” pahayag ni Luistro.

Sa kabila nito, sinabi ni Luistro na patuloy na magiging bukas ang pintuan ng komite para kay Duterte, aniya, sa buong durasyon ng pagdinig ay kanilang paulit-ulit na iimbitahan ang Pangalawang Pangulo.

“Hangga’t hindi nakatapos ‘yung hearing proper, we will keep on sending invitation to her so that at any point of the entire hearing proper she can actually come,” ani Luistro.

Sinabi ni Luistro na ang imbitasyon na ipinaabot ng komite ay hindi maikokonsidera na procedural lamang, aniya, ito ay upang bigyan ng pagkakataon si Duterte na ihayag ang kanyang panig laban sa mga seryosong akusasyon.

“If you’re claiming innocence, you should take advantage of all opportunity to prove your innocence,” giit nito.

“I think it’s about time na marinig na ng taong bayan ang kasagutan ng ating Vice President,” dagdag pa nito.

Ayon kay Luistro, mataas ang public expectation na magkakaroon ng kasagutan ang mga isyung ipinupukol kay Duterte kaya naman mahalagang oportunidad na sagutin nya ng personal ang mga reklamo na nakapaloob sa dalawang impeachment complaint.

“I believe that a huge number of Filipinos wanted to hear the answer of the Vice President,” dagdag pa nito.

Bukas, Marso 25, sisimulan ng komite ang pagtukoy kung may probable cause para ituloy sa paglilitis ang impeachment case, ang proseso ay maihahaluintulad sa mini trial dahil ilalatag ang mga ebidensya ng magkabilang panig ngunit nilinaw ng komite na hindi nila idedetrmina ang guilt na nasa kamay ng Senado na tatayong bilang impeachment trial court. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here