MANILA, Philippines – Dinalaw ni Vice President Sara Duterte nitong Martes, Agosto 4, sa Quezon City Jail sa Payatas sina nakakulong na Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Rodante Marcoleta, gayundin si dating House lawmaker Mike Defensor.
Nakitang pumasok sa jail premises ang convoy ng Bise Presidente, ayon sa ulat ni Jonathan Andal ng GMA News.
Kinumpirma ng Bureau of Jail Management and Penology na nakausap ni Duterte sina Estrada, Marcoleta, at Defensor sa kanyang pagbisita.
Dumating si Duterte bandang alas-12 ng tanghali at umalis makalipas ang alas-3 ng hapon, matapos manatili nang halos tatlong oras sa loob ng pasilidad.
Nakakulong si Estrada dahil sa P537-milyong plunder charge kaugnay ng umano’y flood control scam.
Nahaharap naman si Marcoleta sa kasong plunder matapos amining tumanggap siya ng P75 milyon na campaign funds noong miyembro pa siya ng Kamara. Hindi umano niya idineklara ang halaga sa kanyang statement of contributions and expenditures para sa 2025 midterm elections.
Inaresto rin si Defensor dahil sa umano’y pag-donate ng P30 milyon mula sa halagang natanggap ni Marcoleta. RNT