Home NATIONWIDE VP Sara humingi ng ebidensya ng 30K drug war deaths

VP Sara humingi ng ebidensya ng 30K drug war deaths

MANILA, Philippines- Hayagang kinuwestiyon ni Vice President Sara Duterte ang napakalaking bilang na 30,000 drug war deaths.

Sinabi ng Bise Presidente na 181 piraso lamang ng ebidensya ang iprinisinta ng prosekusyon sa International Criminal Court (ICC). Malinaw na kapos ito para sa sukat ng umano’y extrajudicial killings sa panahon ng war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Makikita sa rekord ng pulisya na ang drug war deaths ay may kabuuang bilang lamang na 6,000, habang sinasabi naman ng human rights groups na ang death toll— kabilang na ang vigilante killings—ay umabot na sa 30,000.

“Dahil laging paulit-ulit ng media yun, ilang taon. ‘War on drugs, thousands killed.’ ‘War on drugs, 30,000 killed.’ And yet, nandito na tayo ngayon sa ICC and there’s just 181 pieces of evidence,” ang sinabi ni VP Sara.

“So, nasaan na ang 30,000 pieces of evidence? This is not a case for the ICC. These were not even cases in the Philippines. Not a single case,” dagdag niya.

“How can you prove systematic killing of 30,000 victims if you do not have the names of 30,000 victims? …and yet we have 181 pieces of evidence. And we don’t even have 50 victims. This is 43 counts of murder, not even 50. So, where is the system there of killing thousands? Sorry. Ang bobo yung abogado nila,” diing pahayag ni VP Sara.

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Atty. Kristina Conti ng National Union of People’s Lawyers, kumakatawan sa ilang biktima na hindi na kinakailangan na pangalanan ang bawat biktima para patunayan lamang na nakagawa ng crimes against humanity si dating Pangulong Duterte.

“In crimes against humanity, you do not need to name all the victims,” ang sinabi ni Conti.

“Siguro magandang tingnan ni VP Sara—and this is perfect—what happened to the Holocaust?” aniya pa rin, tinukoy ang Nuremberg trials.

“Sa Nuremberg trials, they did not need to name all those killed. The gist of this case of crimes against humanity is the manner of killing—widespread and systematic—could be established by the testimony of even just one person,” ang sinabi ni Conti.

Tinukoy din ni Conti ang kontrobersiya na pahayag ni Digong Duterte noong 2016, kung saan ikinumpara nito ang pagsisikap ni Adolf Hitler para lipulin ang mga Jews sa kanyang kampanya na puksain ang problema sa ilegal na droga.

Nilinaw nito na ang 181 piraso ng ebidensya ni VP Sara ay preliminary documents.

“Sana lang kay Vice President Sara, tutal may oras naman po kayo, pag-aralan nyo po nang mas malalim yung po ikinakaso dun sa tatay nyo. Clarification: the 181 pieces of evidence talk about preliminary matters. For example, what language will the testimonies be in? Do you have documents? How many pages are these documents? Hindi pa ito yung mismong ebidensya. And there will be more,” ang pahayag ni Conti.

Ang kumpirmasyon ng kaso ay magaganap sa September 23, subalit naniniwala si Conti na ang ICC prosecutor ngayon ay ”trial ready.”

“For them to come out with these 181 pieces of information about the prosecution within, I think, 4 days, 3 days upon order of the court means that they’re trial ready,” ang sinabi ni Conti.

Samantala, sinabi ni Conti na ang inihihirit ni VP Sara na listahan ng 30,000 kataong nasawi ay pagtatangka na ilihis ang atensyon mula sa pananagutan.

“Yung paghahanap ng pangalan ay pagbaling ng issue,” ayon kay Conti.

“The real question is: Guilty ba si Duterte? Inutos ba niya ang mga patayan sa kanyang kapasidad bilang founder and leader of the Davao Death Squad na nagpatuloy ang patayan sa Davao City habang mayor siya at sa buong Pilipinas habang presidente siya? Yun ang esensya ng kaso sa kanya.” ang winika pa rin ni Conti. Kris Jose