MANILA, Philippines – Umalis na ng bansa si Vice President Sara Duterte nitong Miyerkules ng umaga, Marso 12, patungong Amsterdam, the Netherlands.
Ito ay para sundan ang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte na inaresto sa bisa ng arrest warrant ng International Criminal Court.
Sa mensahe ng Office of the Vice President (OVP), kinumpirma ang pag-alis ni Duterte sa Maynila bandang 7:40 ng umaga sa pamamagitan ng Emirates flight no. EK 337, biyaheng Amsterdam.
Nakatakda namang lumipad si Rodrigo Duterte patungong Rotterdam The Hague Airport mula sa Al Maktoum International Airport sa Dubai ngayong umaga.
Lumapag sa Dubai ang eroplano sakay ang dating Pangulo matapos umalis sa Villamor Air Base sa Pasay City nitong Martes ng gabi. RNT/JGC