Home NATIONWIDE VP Sara nag-aalala sa balat ni FPRRD

VP Sara nag-aalala sa balat ni FPRRD

1
0

THE HAGUE, Netherlands – Nagpahayag si Vice President Sara Duterte ng pag-aalala sa kondisyon ng balat ng kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte, na kasalukuyang nakakulong sa pasilidad ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.

Ayon kay Sara, may mga pantal sa likod ng dating pangulo na “very reddish and they are pimple-looking.”

“It’s a concern because PRRD is diabetic so as much as possible we don’t want him to have wounds in any part of his body,” dagdag pa niya.

Sinabi rin niya na natuyo na ang mga pantal ngunit nakararanas pa rin ng pangangati sa likod ang dating pangulo. Pinasalamatan din niya ang detention unit sa agarang pag-asikaso sa kondisyon nito.

Nakakulong si Rodrigo Duterte sa ICC dahil sa mga kasong crimes against humanity na may kaugnayan sa kanyang kampanya kontra droga.

Naaresto siya noong Marso 12, 2025 sa Ninoy Aquino International Airport at dinala sa The Hague matapos ikulong sa Villamor Air Base.

Bagama’t umatras ang Pilipinas sa Rome Statute noong 2019, sinabi ng ICC na may hurisdiksyon pa rin ito sa mga umano’y krimeng nangyari mula Nobyembre 1, 2011 hanggang Marso 16, 2019.

Ayon sa opisyal na datos ng gobyerno, mahigit 6,000 katao ang namatay sa war on drugs ng administrasyong Duterte, habang tinatayang 12,000 hanggang 30,000 ang bilang ayon sa human rights groups at ICC prosecutor. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here