Home TOP STORIES Kasunduan sa ganap na pag-disarma sa Hamas, inanunsyo ni Trump

Kasunduan sa ganap na pag-disarma sa Hamas, inanunsyo ni Trump

1
0

WASHINGTON, USA – Inanunsyo ni US President Donald Trump na may kasunduan para sa “complete disarmament” o ganap na pag-disarma ng Hamas at iba pang armadong grupo sa Gaza Strip.

Ayon sa mga opisyal ng Hamas, napagkasunduan ang isyu ng mga armas at ang unti-unting pag-alis ng mga puwersang Israeli mula sa Gaza.

“An agreement has been reached regarding the issue of weapons… Furthermore, an agreement has been reached on a gradual withdrawal of (Israeli forces)” ayon sa isang opisyal ng Hamas.

“Today, the Board of Peace reached a HISTORIC agreement for the COMPLETE DISARMAMENT of Hamas and all other armed groups in Gaza. This is a monumental step toward lasting PEACE and SECURITY,” saad ni Trump sa Truth Social.

Dagdag pa niya na ang pag-disarma ay isasagawa sa “carefully structured phases.”

“As disarmament is completed, Israeli forces will withdraw, and the International Stabilization Force will work with a new Palestinian police force to take responsibility for Gaza being safe for its residents and its neighbors,” ayon pa kay Trump.

Nagpasalamat din siya sa mga mediator mula Egypt, Qatar, at Turkey.

Ang pag-disarma ng Hamas ay isa sa mga pangunahing hadlang sa usapang ceasefire sa pagitan ng Israel at Hamas. Bagama’t may umiiral na tigil-putukan, nagpapatuloy pa rin ang karahasan sa Gaza.

Inaasahang magkakaroon ng pagpupulong sa Cairo ang mga mediator upang talakayin ang ikalawang yugto ng ceasefire, kabilang ang pag-disarma ng Hamas, unti-unting pag-alis ng mga puwersang Israeli, at ang paglipat ng pamamahala ng Gaza sa isang teknokratikong pamahalaan.

“We continue to advance the implementation roadmap that offers a balanced and pragmatic path forward, with all weapons decommissioned and a phased transition of responsibilities taking place to hand over full authority to the technocratic government,” ayon sa isang diplomatic source.

“No exceptions for certain weapons or certain people. One authority, one law, one weapon,” dagdag pa nito.

Wala pang opisyal na pahayag ang Israel kaugnay ng inihayag na kasunduan. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here