Home NATIONWIDE VP Sara nagpaabot ng panalangin sa kapayapaan sa Eid’l Fitr

VP Sara nagpaabot ng panalangin sa kapayapaan sa Eid’l Fitr

166
0

MANILA, Philippines – Nagpaabot ng panalangin para sa kapayapaan sa buong mundo si Sara Duterte kasabay ng pakikiisa niya sa Muslim community sa Pilipinas at Middle East sa pagdiriwang ng Eid al-Fitr.

Sa kanyang mensahe noong Marso 20, sinabi ni Duterte na ang okasyon ay paggunita sa paglalakbay na puno ng panalangin, sakripisyo, at malalim na pagninilay.

“The discipline and devotion you have shown throughout your fast are testaments to the strength of your faith and your commitment to the values of compassion and charity,” aniya.

Pinuri rin niya ang mga Pilipino sa kanilang katatagan at kasipagan na aniya’y nagbibigay ng karangalan sa bansa.

“May the spirit of Eid bring you comfort and remind you that your contributions to your families and our country are deeply valued,” dagdag niya.

“As we celebrate this time of joy and thanksgiving, we also offer a fervent prayer for peace across the world,” sabi pa niya.

Umaasa rin ang Bise Presidente na magsilbing inspirasyon ang mga aral ng Ramadan upang makamit ang isang inklusibo, ligtas, at nagkakaisang komunidad sa buong mundo.

“May your homes be filled with peace, and may your hearts be filled with the light of Allah’s blessings,” aniya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here