Home NATIONWIDE VP Sara nakakuha ng bagong approval sa May 2-15 overseas trips

VP Sara nakakuha ng bagong approval sa May 2-15 overseas trips

93
0

MANILA, Philippines – Nag-isyu ng bagong travel authority ang Malakanyang na pumapayag sa pagbiyahe ni Vice President Sara Duterte abroad mula Mayo 2 hanggang 15.

Kinumpirma ni Palace Press Officer Claire Castro na inaprubahan ng Office of the President (OP) ang request to travel ni Duterte sa mga nasabing petsa.

Kamakailan ay nagpasa si Duterte ng kanyang travel plan sakop ang ilang bansa sa Europe at Asia.

Kabilang sa kanyang orihinal na itinerary ay ang biyahe patungong Netherlands, South Korea, Belgium, Germany at United Kingdom mula Abril 23 hanggang Mayo 15.

Sa kabila nito ay binago ang iskedyul dahil sa umano’y “last-minute” issuance ng OP ng kanyang foreign travel authority.

Itinanggi naman ng Malakanyang ang paratang at sinabing sinunod nito ang standard procedures.

Batay sa pinakahuling authorization ng OP, pinapayagan si Duterte na bumyahe “while on leave of absence, at no cost to the government.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here