Home NATIONWIDE VP Sara nakakuha ng pinakamataas na trust, approval ratings sa Pulse Asia...

VP Sara nakakuha ng pinakamataas na trust, approval ratings sa Pulse Asia poll

MANILA, Philippines -Nakakuha ng pinakamataas na approval at trust ratings si Vice President Sara Duterte sa apat na pinakamataas na public officials sa bansa sa 74% at 78%, ayon sa pinakahuling Pulse Asia survey.

Sa survey na isinagawa mula Disyembre 3 hanggang 7, 2023, nakita na ang approval rating ni Duterte ay bahagyang bumuti ng isang percentage points kumpara sa kanyang 73% approval score noong Setyembre 2023.

Nakita rin sa kaparehong poll na ang trust rating ni Duterte ay bahagyang tumaas sa 78% mula sa 75% noong Setyembre 2023.

Samantala, pumangalawa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa may mataas na approval at trust ratings sa 68% at 73%. Ito ay mas mabuti kumpara sa kanyang September 2023 ratings na 65% at 71%.

Si Senate President Juan Miguel Zubiri naman, nanatili ang kanyang approval rating sa 49% at 51% trust rating.

Ang kanyang 49% approval rating noong Disyembre 2023 ay mas mababa sa kanyang September 2023 score na 50%. Ang kanyang trust rating naman ay mas mataas kumpara sa 49% na trust rating score niya noong Setyembre 2023.

Nakakuha naman ng pinakamababang approval rating sa apat na opisyal si Speaker Martin Romualdez sa 39%, mas mababa sa 41% score noong Setyembre 2023. Sa kabila nito, tumaas naman ang kanyang trust rating mula 38% noong Setyembre 2023 sa 40%.

Ang non-commissioned December survey ng Pulse Asia ay isinagawa sa 1,200 adults edad 18-anyos pataas. Mayroon itong error margin na ± 2.8% error margin at 95% confidence level. RNT/JGC

Previous articleGilas Pilipinas, Filipinas bibigyang parangal sa PSA Awards Night
Next articleMga deboto patuloy na dumaragsa sa Quiapo Church, Quirino Grandstand