Home HOME BANNER STORY Mga deboto patuloy na dumaragsa sa Quiapo Church, Quirino Grandstand

Mga deboto patuloy na dumaragsa sa Quiapo Church, Quirino Grandstand

MANILA, Philippines – Mahigit sa 200,000 deboto na ang patuloy na dumaragsa para dumalo sa mga idinaraos na misa sa Quiapo Church base sa monitoring na ibinahagi ng Manila Police Distracted CT (MPD) ngayong Lunes, Enero 8.

Ayon sa Feast of Black Nazarene monitoring surveillance hanggang nitong alas-12 ng tanghali, umabot na sa 231,850 ang crowd sa Quiapo Church.

Samantala, nasa 43,310 naman ang mga deboto na pumila para sa ‘Pahalik’ sa Quirino Grandstand.

Ang tradisyunal na ‘Pahalik’ na tinawag ngayon na ‘Pagpupugay’ ay nagsimula noong Sabado ng gabi pagkatapos ng Misa para sa mga volunteer.

Umabot na rin ang pila sa Independence Road kanto ng SouthDrive sa Roxas Boulevard.

Bagamat mainit ang sikat ng araw, matiyaga pa rin ang mga deboto na maghintay at pumila nang mahaba para lamang mahawakan ang imahe ng Itim na Nazareno.

Bagamat ipinagbabawal ang paghalik sa imahe, pwede naman ang pagpunas ng panyo o towel.

Inaasahang darami pa ang magtutungo sa Quiapo at Quirino Grandstand ilang oras bago ang Traslacion o hanggang bukas. Jocelyn Tabangcura-Domenden