Home ENTERTAINMENT Elias, tinopak sa piano recital!

Elias, tinopak sa piano recital!

Manila, Philippines – Tulad ng karaniwang bata, may quirks o mood swings si Elias Modesto.

Si Elias ang limang taong gulang na anak ni Ellen Adarna kay John Lloyd Cruz.

Dahil may asawa na si Ellen, ang tumatayong ikalawang ama ng bagets ay si Derek Ramsay.

Kapuri-puri ang stepfather-stepson relationship nina Derek at Elias.

Pero hindi ibig sabihin nito’y lumalampas na sa linyang dapat kalagyan ang Fil-British actor.

Paglilinaw ni Derek: “I’m not replacing John Lloyd as Elias’ dad.

“I’m just the second best as John is a great dad. But I treat Elias as my own!”

Dahil nakapag-establish siya ng closeness with Elias, wala naman daw itong kaso sa biological dad nito.

Sa katunayan pa nga, bukod kay Ellen na larawan ng isang proud mom ay present sina John Lloyd at Derek sa recent piano recital ni Elias.

Derek seems to know Elias well enough.

Bago kasi ang piano recital ay “tinotopak” ang bagets.

“Ayoko na mag-piano…ayoko na mag-piano!” panggagaya ni Derek sa nagmamaktol na si Elias.

Despite his bad mood, in fairness ay naitawid naman daw ni Ellas ang nasabing recital.

Ani Derek: “May pagkamahiyain kasi si Elias but he performed well although kami nina John at Ellen, naka-focus sa kanya, ‘Itutuloy kaya niyang mag-piano?’ Pero ang galing niya!'”

Elias played two piano pieces, kabilang ang duet nila ng kanyang teacher na Mary Had A Little Lamb.

Elias inherited his musical genes from Ellen na mahusay ring mag-piano based on her previous posts.

Nagmana rin daw si Elias sa maternal grandfather ni Ellen na isang piano wizard.

Paglaki kaya ni Elias, masasabi kayang nagmana naman siya kay John sa pagiging mahusay na aktor? Ronnie Carrasco

Previous articleMga deboto patuloy na dumaragsa sa Quiapo Church, Quirino Grandstand
Next articleP500K shabu, baril nasabat sa 2 kelot sa Pampanga