MANILA, Philippines – Inaresto ng mga awtoridad ang dalawang lalaki matapos makuhanan ng P500,000 halaga ng shabu at baril sa operasyong ikinasa sa City of San Fernando, Pampanga nitong weekend.
Sa pahayag nitong Lunes, Enero 8, kinilala ng Pampanga police ang mga naaresto na sina alyas “Jess” at alyas “Pakyaw” na pinaghihinalaang sangkot din sa bentahan ng illegal na armas.
Ayon sa pulisya, ang mga suspek ay naaresto noong Sabado, Enero 6, matapos na magpanggap ang undercover police bilang buyer ng 9-mm caliber handgun.
Nakuha rin sa dalawa ang 70 gramo ng shabu at pistola na kargado ng anim na bala.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
“This accomplishment serves as another testament to the determination of our police in safeguarding our communities from the ill effects of illegal drugs and from other forms of lawlessness,” ayon kay regional police director Brigadier General Jose Hidalgo Jr. RNT/JGC