Home METRO 4 na tulak ng tobats, timbog

4 na tulak ng tobats, timbog

SANTIAGO CITY, Philippines – Sa kulungan ang bagsak ng apat na katao kabilang ang isang babae na pinaniwalaan umano’y nagtutulak ng illegal na droga sa magkakahiwalay na anti-illegal drug operations ng pulisya dito sa Lungsod ng Santiago.

Unang nadakip sa Barera St., P7, Centro West, Santiago City ang suspek na kinilalang si Odess Morales, 35 anyos, walang trabaho at residente ng P5, General Malvar, Santiago City.

Nakuha sa suspek ang 0.2 gramo ng shabu habang pinangunahan naman ang pagdakip sa pinaghihinalaan ng SDEU ng PS2.

Narekober din sa suspek ang P500 na ginamit sa operasyon, Android Phone at isang tricycle na ginamit sa pakikipagtransaksyon.

Alegasyon ng suspek na hindi umano siya ang katransaksyon ng mga otoridad at hinatid lamang umano nito ang kaibigan, paninindigan naman ng mga otoridad ay siya umano ang pusher mula sa mga ebidensya ng palitan ng mensahe sa pag-aaring cellphone ng pinaghihinalaan.

Sunod naman na inaresto ang suspek na si Patrick Chua Pineda, 37 anyos, laborer at residente ng Rosario, Santiago City na tubong-Pampanga.

Naitala bilang Street Level Individual ang suspek na nabilhan ng 0.5 gramo ng shabu.

Pinangunahan ng Presinto Tres ang operasyon laban sa suspek na nagbunga upang mahuli ito at masamsam ang P3,000 ginamit sa operasyon.

Aminado naman ang suspek sa pagbebenta ng droga habang dati na ring nakulong ang suspek kaugnay sa kaniyang iba pang paglabag sa batas.

Sa Lauan Street, Purok 4, Calaocan, Santiago City nahuli naman ang mag-tiyuhin na sina Roger Fernandez, 39 anyos at Marcelino Castillo, 46 anyos na kapwa Construction Worker at residente ng Calaocan, Santiago City.

Kapwa naitala bilang SLI ang magkamag-anak na nabilhan ng 0.45 gramo at 0.50 gramo ng shabu.

Pinangunahan ang operasyon ng Police Station 1 katuwang ang CIU/CDEU ng SCPO kung saan nakuha rin sa mga pinaghihinalaan ang perang ginamit sa transaksyon maging ang cellphone na ginagamit umano ng mga suspek sa pakikipagtransaksyon.

Kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng mga suspek na nadakip na nasa pangangalaga na ng mga nabanggit na himpilan ng pulisya. Rey Velasco

Previous articleP500K shabu, baril nasabat sa 2 kelot sa Pampanga
Next articleNBA:LeBron James, Lakers wagi kontra Clippers