Home NATIONWIDE VP Sara: PBBM admin unstable na; Malakanyang bumwelta

VP Sara: PBBM admin unstable na; Malakanyang bumwelta

249
0

MANILA, Philippines – PARA sa Malakanyang, bulag, nagbubulag-bulagan at nakapikit ang mata ni Vice President Sara Duterte na nagpahayag na “unstable” na ang gobyernong Marcos ngayon sa gitna ng usapin ng korapsyon.

Bingyang diin ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ‘isang malaking kasinungalingan’ na naman ang pahayag na ito ni VP Sara.

“Alam natin na matatag ang ating gobyerno, ang pamahalaang Marcos Jr. Ito ay ginigiba lamang ng mga obstructionist na tulad nila,” ayon kay Castro.

“Nakita na natin, sabi nga niya, marami na ang nagte-testify. bakit? ang Pangulo mismo ang nagpasimula ng pagi-imbestiga na ito. Hindi katulad ng nakaraang administrasyon, anong nakita ninyong pagbuyangyang, o pagbulgar sa mga ganitong klaseng anomalya. So, hindi puwedeng sabihin na walang nagagawa ang ating Pangulo. Siya mismo, tandaan natin ang nagpasimula ng pag-iimbestiga nito. So, kung ito man ang bansa natin ay hindi magiging matatag, hindi puwedeng mangyari ‘yan dahil hind papayagan ng atng Pangulo ‘yan,” ang litaniya ni Castro.

Sa ulat, tinanong kasi si VP Sara kung sa tingin nito ay ‘stable’ pa ang gobyerno sa gitna ng usapin ng korapsyon, kung saan ang nagng tugon nito ay “No.”

“Our institutions are clearly abused. They are used for personal gain…and we have already seen the testimony of witnesses about corruption and there is practically nothing happening in our country,” aniya pa rin.

“Nakailang ulit ko na ‘yan sinasabi noon na tigilan ‘yung pulitika, tigilan ang pag-una ng pansariling interest kasi walang nangyayari sa ating bansa. Meron ba kayong nakikita at all na project na nakatulong sa ating bayan? Wala,” dagdag na wika nito. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here