Home NATIONWIDE VP Sara sa mga reservist: Demokrasya, protektahan!

VP Sara sa mga reservist: Demokrasya, protektahan!

311
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si Vice President Sara Duterte sa mga military reservist na protektahan ang demokrasya at ipanawagan ang human rights sa bansa.

Sa kanyang mensahe sa 46th National Reservist Week, kinilala ni Duterte ang mga reservist sa kanilang serbisyo sa panahon ng emergency, kalamidad at mga krisis.

“Sumasaludo ako sa kahandaan at dedikasyon na naitanim sa kaisipan at damdamin ng mga reservist na pagsilbihan ang ating bansa sa kabila ng iba pang mga tungkulin sa napiling larangan o sektor sa lipunan,” ani Duterte.

Aniya, siya ay reservist mismo at hinimok ang mga kapwa reservist na lumaban para sa katotohanan.

“Protektahan natin ang ating demokrasya at isulong ang ating mga karapatan… Magpatuloy tayo na magsilbi bilang inspirasyon sa mas marami pang kabataan bilang mabubuting ehemplo ng pagmamahal sa bayan at tapat na pagsusumikap para sa kapakanan ng sambayanang Pilipino,” dagdag pa niya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here