Home NATIONWIDE Walang fare hike sa MRT-3 ngayong taon

Walang fare hike sa MRT-3 ngayong taon

MANILA, Philippines – Walang inaasahang taas-presyo sa pamasahe sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ngayong taon.

“Sa ngayon po, siyempre for the year, it will not happen and maybe the next one or two years pa. Kasi po regulated naman po ng DOTr iyan,” sinabi ni MRT-3 General Manager Oscar Bongon sa isang panayam.

“Sa ngayon po walang petisyon ang MRT-3 for fare hike at wala naman pong obligasyon to do that kagaya po ng mayroong private concessionaire na nasa kontrata nila that periodically they have to adjust. Pero po sa MRT-3, wala pong ganoon kasi tayo po ang nag-operate,” dagdag pa niya.

Samantala, sinabi ni Bongon na target ng MRT-3 na magpatakbo ng apat na bagon na train sets simula sa Hunyo kasabay ng inaasahang pagkakakumpleto ng pocket track extension sa Taft Avenue at North Avenue turn-back facility.

“Kasi po currently we are operating three-car trains, so kapag matapos po ang proyektong ito, the infrastructure can now accommodate a four-car train,” ani Bongon.

“So, meaning from three-car to four-car train in its trip would be able to increase the capacity by 33%. So iyan po iyong expected natin, once we operated a four-car train,” dagdag niya. RNT/JGC