Home NATIONWIDE Walang nanalo sa major lotto draws sa draw nitong Martes

Walang nanalo sa major lotto draws sa draw nitong Martes

MANILA, Philippines – Walang nanalo ng major prize sa Super Lotto 6/49, Lotto 6/42 at Ultra Lotto 6/58 sa draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Martes ng gabi, Abril 2.

Ang winning combination number para sa Super Lotto 6/49 ay 08-25-45-19-06-49 sa jackpot prize nitong P83,878,060.20.

Wala ring nanalo sa Lotto 6/42 sa winning combination na 01-24-33-21-42-09 at jackpot prize na P12,810,391.40.

Para sa Ultra Lotto 6/58, ang winning combination na 33-17-07-18-50-57 sa jackpot na P49.5 million ay hindi rin tinamaan.

Samantala, isang solong mananaya ang nanalo sa 6D Lotto para sa jackpot na P2,771,556.00 sa winning numbers na 2-1-6-6-1-7. RNT/JGC

Previous articleF2F classes sa Pasay suspendido ngayong araw
Next articleDesisyon sa pagsibak ng Ombudsman sa dating MIAA general manager, binaliktad ng CA