Home METRO Walang partikular na sakit na mitsa ng ‘full capacity’ ng 2 ospital...

Walang partikular na sakit na mitsa ng ‘full capacity’ ng 2 ospital sa Maynila – DOH

152
0

MANILA, Philippines- Walang partikular na sakit na nagdudulot ng full capacity ng emergency rooms at wards sa dalawang public hospitals sa lungsod ng Maynila, ayon sa Department of Health (DOH).

Ito ay makaraang ianunsyo ng Manila Public Information Office na ang Ospital ng Maynila Medical Center at Gat Andres Bonifacio Medical Center ay nagpapatakbo ng may limitadong access at hiniling sa mga pasyente na ikonsiderang magtungo sa ibang public hospitals para sa kanilang medical needs.

Sinabi ni DOH spokesperson Assistant Secretary Albert Domingo na nakikipag-ugnayan ang DOH sa Manila local government at sa dalawang ospital upang masiguro na ang paggamot at paglabas ng pasyente ay maayos sa dalawang pasilidad.

“The two hospitals have not reported any specific disease or incident that may be causing their full capacity,” sabi ni Domingo

Sinabi ng opisyal na ang kalapit na DOH hospital tulad ng San Lazaro Hospital at Jose Reyes Memorial Medical Center pati ang ibang pasilidad ng gobyerno tulad ng UP-Philippine General Hospital ay available na tumanggap ng mga pasyente. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here