MANILA, Philippines – Walang nakakuha ng jackpot sa tatlong major lotto draws ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Martes, Setyembre 22.
Sa Ultra Lotto 6/58, walang tumama sa winning combination na 18-03-22-20-19-43 para sa jackpot na P322,258,134.01.
Wala ring nanalo sa Super Lotto 6/49, na may kombinasyong 25-15-38-37-29-06 at jackpot na P25,339,669.32.
Hindi rin napanalunan ang P53,853,227.77 jackpot ng Lotto 6/42 matapos walang tumama sa kombinasyong 11-26-07-16-35-23.
Samantala, wala ring nanalo sa 6D Lotto na may kombinasyong 3-8-1-8-0-5 at premyong P602,977.08.
Mayroon namang mga nanalo sa 3D at 2D Lotto draws, kabilang ang 436 bettors na tumama sa 5 p.m. 3D Lotto combination na 7-2-9, ayon sa opisyal na resulta ng PCSO. RNT