Home NATIONWIDE #WalangKuryente sa ilang bahagi ng NCR, Cavite, Quezon at Rizal mula June...

#WalangKuryente sa ilang bahagi ng NCR, Cavite, Quezon at Rizal mula June 17-19

MANILA, Philippines – Mawawalan ng kuryente ang ilang bahagi ng Metro Manila, Cavite, Quezon, at Rizal mula Hunyo 17 hanggang 19 dahil sa scheduled maintenance activities.

Sa abiso, sinabi ng Manila Electric Company (Meralco) na magsasagawa ito ng line reconstruction works along Congressional Road sa Barangay Mabuhay, Carmona City, Cavite mula Hunyo 17 hanggang 18.

Apektado mula 11:30 ng gabi ng Lunes, Hunyo 17 at 4:30 ng umaga ng Martes, Hunyo 18 ang bahagi ng Governor’s Drive mula Congressional Road patungong Southwoods Industrial Park; Burger King at Jollibee sa Barangay Mabuhay.

Kasama rin dito ang bahagi ng San Lazaro Road mula Governor’s Drive kabilang ang Canyon Ranch Subdivision; at Manila Jockey Club sa Barangays Mabuhay at Lantic.

Magkakaroon din ng pagpapalit ng mga peligrosong mga poste sa loob ng Goodwill Homes I Subdivision sa Barangay Bagbag, Quezon City sa pagitan ng alas-9 ng umaga at alas-3 ng hapon ng Hunyo 18 at upgrading ng pasilidad sa Lucban – Sampaloc Road sa Barangay Kilib, Lucban, Quezon Province sa kaparehong petsa.

Apektado sa pagitan ng alas-10 ng umaga at alas-12 ng tanghali ang mga sumusunod na lugar:

Bahagi ng Lucban – Sampaloc Road mula Lucban – Luisiana Road sa Bgy. Aliliw, Lucban kabilang ang Landrito Farm sa Barangay Bataan, Sampaloc; La Residencia Trinidad Phase 2 Subdivision, One Mangostana Place Subdivision at Two Mangostana Place Subdivision; Barangays Aliliw, Atunilao, Kabatete, Kilib at Piis sa Lucban, Barangay Bataan sa Sampaloc.

Magkakaroon din ng replacement ng pole at line reconductoring works sa Alfonso – Maragondon Road sa Bgy. Pulo ni Sara (Pantihan 4), Maragondon, Cavite sa Hunyo 18. Apektado ang serbisyo ng kuryente mula alas-10 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon ang mga sumusunod na lugar:

Bahagi ng Alfonso – Maragondon Road mula Pulo Pares Unli-Wings sa Bgy. Pulo ni Sara (Pantihan 4) kabilang ang Bgys. Balayungan at Pantihan 1 – 3.

Narito pa ang mga lugar na makararanas ng power service interruptions mula Hunyo 18 (11 p.m.) hanggang alas-4 ng umaga ng Hunyo 19:

– Bahagi ng F. Catapusan at M. H. Del Pilar Streets from McDonald’s kabilang ang Catambay, A. Dancel, I. Yujuico, P. Gomez, Tentado, Rajah Sol at P. Peñaranda Streets; San Ildefonso College, Tanay Water District at Mercury Drug sa Barangays Plaza Aldea, Wawa, Mag-ampon, at San Isidro.
– Bahagi ng Wawa Road at Lakeshore Drive mula M. H. Del Pilar Street sa Bgy. Wawa kabilang ang M. L. Quezon, Cong. Ding Tanjuatco, Damaso Reyes, Cecilio Santos, Dolores, Resurrection, Noli Me Tangere, Pastor Masilang, E. Quirino, Lapu Lapu, at Lorenzo Ramos Streets sa Barangays Wawa, Kaybuto, Tabing Ilog at Pinagkamaligan.

Magkakaroon din ng line reconstruction works, replacement of poles at installation ng mga pasilidad sa
Manila South Road (Muntinlupa – San Pedro National Highway) sa Barangay Alabang, Muntinlupa City mula Hunyo 18 hanggang 19.

Apektado mula alas-11 ng gabi ng Martes at alas-4 ng umaga ang mga sumusunod na lugar:

– Bahagi ng Ilaya Street mula San Guillermo Street hanggang L&B Compound at Purok 7C sa Barangay Alabang.
– Bahagi ng Bautista Street mula Pleasant Drive kabilang ang Baywalk Street; at Puregold – Bayanan Minimart sa Barangay Bayanan.
– Bahagi ng San Guillermo Street mula Ilaya Street kabilang ang Valeda Street; Lakeview Homes, Sunrise Subdivision at Bagong Paraiso Compound sa Barangays Bayanan at Putatan
– Bahagi ng PNR Road mula Bautista Street hanggang NIA road sa Barangays Bayanan at Putatan.

Magkakaroon din ng line repair works sa North Luzon Expressway (NLEX) East Service Road malapit sa Paso De Blas Road sa Barangay Paso De Blas, Valenzuela City mula Hunyo 18 hanggang 19. Dahil dito ay mawawalan din ng serbisyo ng kuryente mula alas-11 ng gabi ng Martes, Hunyo 18 hanggang alas-4 ng umaga ng Miyerkules, Hunyo 19 sa bahagi ng Paso De Blas at Bagbaguin Roads mula North Luzon Expressway (NLEX) East Service Road hanggang G. Molina Street kabilang ang Dela Cruz Compound. RNT/JGC