Home NATIONWIDE #WalangPasok, Enero 8, sa sama ng panahon

#WalangPasok, Enero 8, sa sama ng panahon

213
0

MANILA, Philippines – Suspendido ang face-to-face classes sa ilang bahagi ng bansa ngayong Huwebes, Enero 8, 2026 dahil sa masamang lagay ng panahon na inaasahang magdudulot ng malalakas na pag-ulan.

Sa lalawigan ng Sorsogon, walang face-to-face classes sa lahat ng antas, pampubliko at pribado. Sa Camarines Sur, suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas, pampubliko at pribado, sa Goa kung saan lilipat sa alternate learning modalities ang mga paaralan, gayundin sa San Jose at Lagonoy. Sa bayan ng Sagñay, suspendido ang face-to-face classes sa Aniog Elementary School, Bolo Elementary School, at Tinorongan National High School. Sa Tigaon naman, ang pagbabalik ng klase ay nakadepende sa desisyon ng mga punong-guro.

Sa lalawigan ng Albay, suspendido rin ang face-to-face classes sa lahat ng antas, pampubliko at pribado, sa bayan ng Tiwi. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here