MANILA, Philippines — Suspendido ang klase o face-to-face classes sa ilang lugar sa bansa ngayong Huwebes, Setyembre 10, dahil sa patuloy na pagbaha at masamang panahon dulot ng Habagat.
Narito ang listahan batay sa mga abiso ng lokal na pamahalaan:
Bulacan
Calumpit — Lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan.
Benguet
Kibungan — Day care classes lamang.
Pampanga
Masantol — Lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan.
Apalit — Walang face-to-face at online classes mula Kindergarten hanggang Grade 12 sa mga pampubliko at pribadong paaralan mula Setyembre 7 hanggang 15 upang bigyang-daan ang end-of-term block activities.
Minalin — Lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan; hinihikayat ang pagpapatupad ng Alternative Delivery Modes.
San Simon — Lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan mula Setyembre 7 hanggang 11, maliban sa Concepcion Integrated School na magpapatuloy sa face-to-face classes.
Sto. Tomas — Lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan; lilipat sa Alternative Learning Modes.
Candaba — Modular classes sa mga sumusunod na paaralan:
-San Agustin Elementary School
-Lanang Elementary School
-Lanang High School
-Pasig High School
-Pampanga State University
Mexico — Suspendido ang face-to-face classes sa:
-Dolores Piring Elementary School
-Sto. Domingo Elementary School
-Laug Elementary School
Pangasinan
Calasiao — Lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan; hinihikayat ang paglipat sa Alternative Learning Modes.
Pinapayuhan ang mga magulang at mag-aaral na bantayan ang opisyal na anunsyo ng kani-kanilang LGU at paaralan dahil maaari pang madagdagan o mabago ang listahan. RNT