MANILA, Philippines – Kanselado ang klase sa ilang lugar ngayong Biyernes, Marso 7, 2025, dahil sa matinding init ng panahon.
Sa Lungsod ng Maynila, suspendido ang afternoon face-to-face classes mula kindergarten hanggang senior high school sa mga pampublikong paaralan.
Kanselado rin ang face-to-face classes sa lahat ng antas, pampubliko at pribado, sa probinsya ng Abra, mga bayan ng Bay, Calauan, at Los BaƱos sa Laguna, Malolos sa Bulacan, at San Jose sa Occidental Mindoro. RNT