Umabot na sa halos P70 milyon ang jackpot ng Lotto 6/42 matapos walang nanalo sa mga major draw noong Huwebes, Marso 6, 2025, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Walang nakakuha ng P15,978,767 jackpot ng Superlotto 6/49 matapos walang tumama sa numerong 11-31-20-39-18-16.
Hindi rin napanalunan ang Lotto 6/42 na may numerong 35-42-07-34-03-41, dahilan para umabot ang jackpot sa P69,536,644.80. RNT