MANILA, Philippines – Dahil sa epekto ng Bagyong Pepito ay inanunsyo ng ilang local government units na suspendido pa rin ang pasok sa ilang mga paaralan ngayong Martes, Nobyembre 19.
Ayon sa abiso, #WalangPasok sa mga sumusunod na lugar:
Aurora
Cagayan
– Alcala
– Amulung
Camarines Sur
– Caramoan (hanggang Nobyembre 20)
– Garchitorena (hanggang Nobyembre 20)
– Northern coastal barangays ng Lagonoy (hanggang Nobyembre 20)
– Siruma (hanggang Nobyembre 20)
– Tinambac (hanggang Nobyembre 20)
Dagupan City
Isabela
– Cabagan
– Echague (hanggang Nobyembre 23, maliban sa graduate school ng ISU-Echague)
– Ilagan
– Tumauini
Licab, Nueva Ecija
Nueva Vizcaya
Panganiban, Catanduanes
Pangasinan
– Bayambang
– Bugallon
Samantala, suspendido naman ang pasok mula pre-school hanggang high chool sa Bautista, Pangasinan.
Suspendido rin ang face-to-face classes sa mga sumusunod na lugar:
Tuguegarao, Cagayan (pre-school hanggang senior high school, public only; shift to distance learning)
Zaragoza, Nueva Ecija (all levels, public at private; shift to distance learning)
I-refresh lamang ang post na ito para sa pinakabagong impormasyon. RNT/JGC