Home NATIONWIDE #WalangPasok sa Albay sa pananalasa ni Ada

#WalangPasok sa Albay sa pananalasa ni Ada

219
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng pamahalaang panlalawigan ng Albay ang pagsuspinde ng face-to-face classes simula Biyernes, Enero 16, 2025, sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan dahil sa Tropical Depression Ada.

Nakasaad ito sa Advisory No. 2026-03 na inilabas ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council–Albay Public Safety and Emergency Management Office at nilagdaan ni Gobernador Noel Rosal.

Mananatili ang suspensyon hanggang sa bawiin ang abiso, at inatasan ang mga paaralan na gumamit ng alternatibong paraan ng pagkatuto.

Ipinagbabawal din sa advisory ang paglalayag ng lahat ng uri ng sasakyang pandagat kapag naglabas na ng travel advisory ang Philippine Coast Guard. Pinayuhan ang mga residente na iwasan ang mga aktibidad sa labas dahil maaaring magdulot ang sama ng panahon ng pagbaha, pagguho ng lupa, at lahar sa ilang barangay.

Iniutos din ng gobernador ang prepositioning ng relief goods at mga sasakyang pang-emergency para sa maagang paglikas. Pinayuhan ang mga residenteng posibleng maapektuhan ng hangin, baha, landslide, debris flow, at lahar na lumikas sa mas ligtas na lugar simula Huwebes ng umaga hanggang tanghali. Inaktiba na rin ang disaster operations center ng lalawigan na magpapatakbo nang 24/7.

Batay sa track at intensity outlook ng PAGASA, inaasahang dadaan malapit o magla-landfall ang Tropical Depression Ada sa Catanduanes sa Sabado o Linggo. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here