MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na walang nanalo sa mga pangunahing jackpot draw ng lotto na ginanap noong Miyerkules, Enero 14, 2026.
Ang nanalong kombinasyon para sa Grand Lotto 6/55 na may jackpot na P29,700,000.00 ay 02-48-43-41-42-11.
Samantala, wala ring tumama sa Megalotto 6/45 jackpot na nagkakahalaga ng P19,437,030.20, na may winning numbers na 43-05-10-03-16-04. RNT